Walang pera, driver sinaksak ng kinakasama

SUGATAN ang isang driver matapos saksakin at batuhin sa ulo ng ka-live-in nang hindi makapagbigay ng pera sa Caloocan City Lunes ng umaga, Setyembre 5.

Ginagamot sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng bukol sa ulo at saksak sa kaliwang kamay si Elino Villanueva, 39, jeepney driver ng Julian Felipe.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang ka-live–in ng biktima na si Dina Otero, nasa hustong gulang ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, dakong 10 ng umaga, umuwi ang biktima sa kanilang bahay kung saan hinanapan ng kita ng suspek.

Ikinatuwiran ng biktima na mahina ang pasada kung kaya wala siyang kita na ikinagalit ng suspek at nang makakita ng bato ay ibinato kay Villanueva.

Hindi pa nakuntento ang suspek at kumuha ng kutsilyo sabay saksak sa biktima na naisangga ng kamay.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima ng mga kaanak PDMMMC.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply