Walang selos factor!: Biruan nina Willie at Shalani on national TV oks lang kay Cong. Roman Romulo

EXCLUSIVE naming na-interview ni BFFT Pete A. ang Man of the hour na si Pasig Congressman Roman Romulo. Aside sa nakakikilig na kuwento nito tungkol sa magandang relasyon na namamagitan sa kanila ni Valenzuela Konsehala Shalani Soledad ngayon na mauuwi na nga sa kasalan dahil binigyan na niya ang girlfriend ng diamond engagement ring, nang alamin namin ang feeling ni Cong. Roman sa biruan at paglalambing madalas ni Willie Revillame kay Shalani sa show ng dalawa sa TV5 na “Willtime, Bigtime,” ito ang kanyang simpleng kasagutan. “Hindi ako nagsiselos,” cool na cool niyang pahayag. “Unang-una, kaibigan ko siya at tumulong pa siya ng libre sa kampanya ko noon.

“Besides, ang sister kong si Mons Tantoco na kilalang broadsheet columnist ang nagpakilala sa akin kay Willie at mula noon ay naging magkaibigan na kami.

“Saka, bakit naman tayo magsiselos eh malaki naman ang tiwala ko kay Shalani?

“Kapag mahal mo ang isang tao,” paliwanag niyang nakangiti, “dapat may tiwala ka sa kanya, besides, trabaho lang ang ginagawa nila and that’s okay with me.”

Aba! Magandang attitude ‘yan sa isang lalaki at dahil diyan, nakikita naming magiging maganda at successful ang relasyon na ito nilang dalawa.

By the way, ngayong natagpuan na ni Cong. Roman ang right girl sa kanyang buhay, mas inspirado raw siya ngayon at balita pa niya, tuluy-tuloy pa rin ang school buildings project niya kung saan this  time ay limang school sa Elementary at High School sa Pasig ang makikinabang na mga mag-aaral.

Siyempre pa, may livelihood project din si Congressman na malaking tulong para sa kanyang minamahal na Pasigueno. Kahanga-hanga gyud!

***

Kaabang-abang ang mga showbiz expose sa ‘The Buzz’ with Boy Abunda, KC, Toni and Charlene

PAGDATING sa mga latest showbiz news and expose, nangunguna parati riyan ang “The Buzz” hosted by the one and only King of Talk, Kuya Boy Abunda, with KC Concepcion, Charlene Gonzales and Toni Gonzaga.

Yes, at mismong mga nabanggit na famous and multi-talented talk show hosts ay may issue rin bawat isa na kinasasangkutan. Tulad na lang ni KC na nilinaw nito na okey na sila ng kanyang si Papa P o Piolo Pascual.

Sinagot at hinarap naman ni Toni ang intrigang pagkaka-link ng kanyang Papang director na si Paul Soriano kay Maja Salvador na pangunahing bida nito sa kanyang pelikulang “Thelma.”

Ang globally famous TV host/Philanthropist na si Kuya Boy ay wala ring lusot sa controversies at ngayon ay ginagawan naman ng issue na matapos iwan ang “SNN” o Showbiz News Ngayon dahil nagbabawas ito ng work load ay aalis na rin daw ito sa The Buzz.

‘Yan ay malaking imbento lang at kasinungalingan. Si Kuya Boy, ang haligi ng The Buzz at mahal na mahal niya ang show kaya mananatili siya rito. Samantalang kay Charlene, medyo tahimik lang ang balita sa magandang TV host. Abangan ang ilang mga showbiz expose na sa The Buzz lang masisilip. It’s aired every Sunday at 4:30 p.m. after “Growing Up.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply