Walang taas singil sa kuryente ngayong buwan

INIHAYAG ng Manila Electric Company (Meralco) na makaaasa ang consumers na walang dagdag singil sa bills ng kuryente ngayong buwan Setyembre.

Ayon sa Meralco, ang mas mababang costs ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM) at Independent Power Producer (IPPs) ang nagpababa sa kanilang generation charge ng halos 17 sentimos kada
kilowatthour  (kWh).

Anang Meralco, ang generation charge nila ay bababa ng P0.167  per kWh o  P5.2051 per kWh ngayong Setyembre mula sa dating P5.3721 per kWh noong Agosto.

Dahil sa naturang reduction, sinabi ng Meralco na epektibong mao-offset o maba-balanse ang napaulat na 3 centavos per kWh na adjustment na ipatutupad nila na una nang inaprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) para mabawi umano ang kanilang nalugi noong 2010.

Ipinaliwanag ng Meralco na ang pangunahing dahilan nang pagbaba ng generation charge ay ang mas mababang halaga ng kuryente na nabili ng WESM.

Nabatid na mula sa P9.7017 per kWh ang WESM cost ay bumaba ng P1.63 per kWh o P8.0759 per kWh.

Bumaba rin ang rate ng IPP na Quezon Power Philippines Ltd. (QPPL) na ipinagbibili nito sa Meralco ng P0.37 per kWh.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply