Warehouse nasunog sa Pasay: P30-M naabo

NAABO ang P30 milyong ari-arian makaraang masunog ang tatlong warehouse sa isang compound sa Pasay City, madaling-araw ng Huwebes, Setyembre 1.

Ayon sa report ng dzBB, kaagad nirespondehan ng ilang mga bumbero ang sunog sa Kalayaan-Merville Park area bandang 3 a.m.

Wala namang napaulat na nasawi na idineklarang under control bandang 6 a.m.

Base pa sa report ng radio, natupok ng apoy ang house garments, mga gamot kasama na ang antibiotics.

Nahirapan namang pumasok ang mga bumbero dahil iisa lamang ang entrance ng naturang compound.

Patuloy namang inaalam kung may katotohanang electrical short circuit ang dahilan ng sunog.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply