Wasak ang kotse: anak ni Sen. Guingona naaksidente

TILA yumakap sa poste ang minamanehong kotse ng anak ni Senador Teofisto Guingona nang sumalpok ito sa fly over ng Katipunan, Quezon City kaninang madaling araw, Setyembre 9.

Nabatid na naakside ang kaisa-isang anak ng Senador na si Peter Norman Guingona, 18 kung saan sa lakas ng impact ng pagbangga ay wasak na wasak ang kotse bandang 1:00 a.m.

Naipit sa manibela ang mga binti ni Peter at idinadaing ang pananakit ng dibdib.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, hindi naman nakainom ang nakababatang Guingona pero sinabi ng ilang mga nakasaksi na mabilis ang takbo ng kotse ni Peter.

Unang dinala sa Quirino Memorial Medical Center si Peter ngunit inilipat din ito sa St. Lukes Hospital at nakatakdang operahan din sa mga tinamong sugat.

Agad namang sumugod sa ospital si Sen. TG makaraang mabalitaan ang naturang aksidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply