Water leak nagdulot ng pagbagal ng trapiko sa EDSA

NAGDULOT ng pagsisikip sa daloy ng trapiko sa bahagi ng Magallanes, EDSA hanggang sa Andrew avenue dahil sa water leak ng Maynilad kaninang umaga.

Sinabi ni Grace Laxa ng Maynilad ang tagas ng tubig ay dahil sa isinasagawang emergency leak repair sa Andrew Avepanulukan ng Aurora Boulevard sa Pasay City.

Ayon kay Laxa, pansamantalang mawawalan ng tubig ang bahagi ng Malibay, Pasay dahil sa kinukumpuning tubo sa naturang kalsada at kanya ring tiniyak na mayroong trak ng Maynilad na lilibot sa lugar upang mag-rasyon ng tubig.

Dahil sa abala, humingi ng paumanhin si Grace Laxa, Corporate Affairs Supervisor ng Maynilad, sa mga motoristang apektado ng isinasagawang paglalatag ng tubo ng Maynilad.

Sinabi ni Laxa na naglalagay na  ng tubo ang Maynilad patungo sa Timog na bahagi ng Metro Manila lalo na sa bahagi ng Parañaque papuntang Cavite.

Ipinaliwanag ni Laxa na ang kanilang ginagawang paghuhukay ay bahagi ng pagpapaganda ng kanilang mga serbisyo. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply