Will Devaughn umatras maging tatay ng pamilya ni Wendy Valdez

MASYADO raw magulo ngayon ang buhay ni Wendy Valdez. Maliban sa kandakuba siya sa pagtaguyod sa kanyang pamilya, tuliro rin ang kanyang puso sa pag-ibig. Kasi nga naman, wala na siyang gaanong project (maliban sa TV5), zero pa ang lovelife.

Pero kung di raw siya namangka sa dalawang ilog (pumatol kay Will Devaughn pagkatapos na mag-abroad ang boyfriend na si Bruce Quebral) ay hindi sana siya nahihilo ngayon sa kanyang damdamin.

Handa sana siyang pakasalan ni Bruce noon at itaguyod ang kanyang pamilya, iyon nga lamang nalaman daw nitong nagtaksil sa kanya ang seksing dating kasamahan na ex-PBB housemate, tuloy di natuloy ang pagharap nila sa altar. Hehehe!

Gayunman, suwerte ring maituturing si Wendy dahil totoo naman sa kanya si Will. In love ito sa kanya. Kaya lamang, mukhang hindi raw yata kaya ng imported na Pinoy na pati siya ay maging bahagi ng pagsasakripisyo ni Wendy sa kanyang pamilya na kung saan mula sa pagkain, upa sa bahay, bayad sa ilaw at kuryente, maintenance at gasolina sa sasakyan at pati sa pagpapaaral sa mga kapatid ay kinargo lahat ng mapagmahal sa pamilyang dalaga.

Aba’y sino nga naman ang hindi matatakot sa responsibilidad na ‘yan? Hindi pa naman niya asawa si Wendy kaya hindi pa handa si Will na magpaka-martir. Isa pa’y barya-barya pa rin naman ang kinikita niya sa GMA-7.

Anyway, ang latest e, mukhang handa na raw ngayon si Devaughn na maki-share sa duties and responsibilities ng dating siyota sa kanyang family. Oh? True! Kaya balik sa panliligaw ang binata sa kanyang ex.

Well, mukhang sila na nga ang magkakatuluyan. Salamat naman kung ganun. At least, may isang lalaking na umiintindi at nagmamahal kay Ms. Valdez.

Next time huwag nang maging salawahan ha, para good karma.

***

Hindi kaya biglang ma-Luz Valdez si Ate Guy kapag may sarili ng sasakyan?

NAPAKABAIT talaga nitong si Governor ER Ejercito. Hanggang ngayon nandyan pa rin ang kanyang respeto kay Nora Aunor.

Nakikita niya ang mga pangangailangan nito. Naiintindihan at iniintindi rin niya ang ugali nito.

Pangako ni Governor bibigyan ng sasakyan si Nora. Bigay lang ito at hindi kasama sa kanyang bayad sa pag-appear sa pelikulang “El Presidente.”

Pero bago ‘yan, magkuwento muna tayo. Kaya raw parating nakasusunod sa oras si Ate Guy sa mga aktibidades niya dahil maaga pa lang ay nakaparada na sa tapat ng kanyang condo ang service niya kaya napipilitan siyang asikasuhin ang sarili. May hiya naman siya kahit papaano sa kawawang driver. Hehehe!

Ngayon, kung may sarili na siyang caru, anytime ay puwede na siyang humarabas ng takbo saan man niya gustuhin lalo na kung ang piloto niya ay ang kanyang lover na si John Rendez.

Hindi kaya bigla na lang mawala sa shooting, sa taping at sa pictorial si Baluga?

Well, madali lang naman siyang hanapin, go kayo sa Casino Filipino sa lahat nang sangay nito, isa-isahin n’yo at tyak na makikita nyo siya roon. Hahaha!

***

Mansion sa Forbes di totoong binenta na ni Manny Pacquiao

HINDI pala totoo ‘yung mga sabi-sabi na binenta ni Manny Pacquiao ang kabibili pa lang na mansion sa Porbes Park dahil sa rason na mahal ang pagkakabenta sa kanya at hindi siya welcome na tumira sa nasabing pang-milyonaryong subdibisyon.

Ang totoo nito malapit na raw i-blessing ang bagong bahay na ito at marami ang nakalistang iimbitahin nina Manny at Jinkee.

Hindi raw kasama sa imbitasyon ang socialite at hotel heiress na si Paris Hilton para raw hindi sila maakusahang mag-asawa na social climbers.

Okey ‘yan. Ang hindi tama ay ‘yung tsismis na hindi welcome ng mga taga-Forbes ang idol natin. Sino ba sila kung tutuusin kumpara kay Manny? Mayaman lang sila pero wala silang karangalang ibinibigay sa bansa. ‘Yun iba ba sa kanila ay mababait man lang sa kanilang mga kasambahay? Nagtatanong lang po.

Si Manny nagbibigay na ng karangalan, nakatutulong pa sa kapwa. Kaya naman niyang bumili ng bahay sa pang-mayamang lugar na ito at wala namang batas na nagbabawal na tumira sa mga mamahaling subdibisyon di ba?

‘Yun lang!

***

Para sa inyong mga katanungan, opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming  pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply