‘Word war’ nina Miriam, FVR lalong umiinit

TUMITINDI na ang iringan sa pagitan nina Sen. Miriam Defensor Santiago at dating Pangulong Fidel Ramos sa pagpapalitan ng maaanghang na salita

Gumanti naman ngayon kay Santiago si FVR matapos sabihin ng dating Pangulo sa Senadora na imbitahan nito si Libyan Leader Moammar Gaddafi para gawing testigo sa imbestigasyon ng Senado sa mga ibinunyag ng Wikileaks.

Ayon kay Santiago, kung nais ni FVR na padaluhin si Gaddafi sa pagdinig ng Senado ay dapat ito ang maghanap at humuli kay Gaddafi.

Idinagdag ni Santiago na ignorante rin si FVR sa giit nitong imbitahan nya si Gaddafi dahil hindi naman pwedeng padaluhin ang isang banyaga maliban na lamang kung may nagawang krimen.

Una nang isiniwalat ng Wikileaks na binigyan umano ni Gaddafi ng milyun-milyong halaga si FVR bilang campaign fund nang sumabak noong 1992 presidential elections kung kailan naging mahigpit nitong katunggali si Santiago.

Tinawag pa ni Santiago na takot  si dating Pangulong Fidel Ramos na harapin ang mga alegasyon laban sa kanya tulad ng balitang lumabas sa Wikileaks na binigyan ito ng P5 milyon ni Moamar Gadhafi.

Ayon kay Santiago, sa tuwing may isyu laban kay Ramos ay idinadaan lamang nito sa kanyang mga galamay ang pagsagot sa mga alegasyon.

Sinabi pa ni Santiago na nakakatawa din ang hamon sa kanya ng dating Pangulo na paharapin sa Senado si Libyan Leader Moamar Gadhafi. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply