‘Worldwide travel alert’ inilabas ng US sa 9/11 anniversary

PINAG-IINGAT ng Amerika ang kanilang mamamayan na nasa sa iba’t-ibang panig ng mundo kasabay ng nalalapit na anibersaryo ng September 11 attack.

Nagpalabas ang US State Department ng worldwide travel alert para manatiling alerto ang mga US citizen.

Ayon sa State Department, kadalasan ay nagsasagawa ng pang-aatake ang mga terorista kasabay ng mga mahahalagang okasyon.

Pero sinabi ng US Homeland Security na sa ngayon ay wala pa silang namomonitor na banta ng terroristic attack sa Amerika kasabay ng ika-10 anibersaryo ng pag-atake ng AL Qaeda sa Twin Towers sa New York.

Gayunpaman ay inatasan ng Homeland Security ang mga awtoridad at mamamayan sa US na manatiling vigilante.

Sa ngayon ay naka-hightened alert ang buong Amerika bilang paghahanda sa 9/11 anniversary.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply