Yosi, plastic bawal na sa Puerto Galera

IPINAGBABAWAL na ang paggamit ng plastic at paninigarilyo sa Puerto Galera sa Oriental Mindoro.

Ang kampanya ay kasunod ng inilunsad na brown revolution noong Agosto na ang layunin ay protektahan sa mga basura ang Puerto Galera na tanyag at dinarayo ng mga lokal at dayuhang turista sa kanilang white beach.

Sinabi mismo ni Mayor Hubert Dolor na tone-toneladang basura ang nakukuha araw-araw na karamihan ay plastic at styrofoam na may malaking banta sa turismo ng bayan.

Ang naturang kampanya ani Dolor ay inumpisahan muna sa mga pampublikong lugar, tanggapan ng gobyerno at mga pampublikong sasakyan.

Sa mga resort naman ay naglaan ng lugar kung saan dapat manigarilyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply