Zoren Legaspi hinihingan ng ‘lagay’ para sa annulment case

IN BETWEEN break sa Paparazzi last Sunday, nagawa namin makatsikahan si Zoren Legaspi tungkol sa isinampa nilang annulment ni Carmina Villaroel sa kasal nito kay Rustom Padilla para matupad na ang matagal na nilang pangarap na pagpapakasal.

Sabi ni Zoren, more than five years na ang hinintay nila ni Carmina pero lagi raw na sinasabi sa kanila ay pirma pa ng isang judge ang kailangan para ma-aprubahan na ang annulment case at mapabawalang-bisa na ang kasal nina Carmina at Rustom.

May ilang empleyado na nga raw sa korte ang nagtataka sa kaso na hindi pa rin maibigay sa kanila ganu’ng “patay” na si Rustom Padilla at ngayo’y isa nang BB Gandang Hari.

“Sabi sa akin, pirma na lang daw ni Judge ang kailangan at okey and aprobado na ang pagbabawalang bisa sa kasal ni Carmina at Rustom. Laging ganoon ang sinasabi sa akin. More than five years na ang kaso at laging ganon ang rason sa amin,” pahayag ni Zoren.

Dahil sa buwisit ay hindi na raw sila interesado ni Carmina. Ang dating pa sa kanila ay gusto ng “padulas” (lagay) para mailabas at maibigay na sa kanila ang matagal nang inilabang annulment sa wedding nina Carmina at Rustom.

Nilinaw din ni Zoren na walang kinalaman sa di natuloy na wedding nila ni Carmina ang pag-alis niya sa GMA 7.

Matatandaan kasing pinangakuan sila ng executive ng show nila sa Kapuso network na “Love Ni Mister, Love Ni Misis” na sasagutin lahat ng magagastos sa kasal nila na ipalalabas din sa kanilang show pero hindi natuloy.

“Kung ikakasal kasi kami ay magkakaroon ng technical dahil di pa aprobado ang annulment nina Carmina at Rustom. Yan ang tunay na dahilan,” say pa ni Zoren.

Nakasalubong namin si Dinky Doo sa lobby ng SM Block pagkatapos naming manood sa red carpet premiere ng “Sa Ngalan ng Ina” ni Nora Aunor.

Nakiusap si Dinky Doo na tulungan sa gagawin nilang tandem ng Fil-Am na si Nico Fuentes na isang komedyante at kinagigiliwan sa Tate.

Dahil isa ring komedyante at magaling ding kumanta si Dinky, nagkasundo sila ni Nico na magsama para mag-perform here and abroad at tatawagin silang Nico and Dinky Duo, The Singing Comedian.

Isang flight steward si Nico ng Delta Airlines at nakatakdang dumating ng Pinas para makapag-ensayo raw sila ni Dinky.

Tsika pa ni Dinky na anak ni Dinky Doo, Sr. at ang ina ay member ng Tres Dallas at kasalukuyang nagsisilbing assistant ni OMB Chairman Ronnie Ricketts, timing ang pagsasama nila ni Nico dahil hinahanap-hanap daw ngayon sa Tate ang mga stand-up comedian at comedian/singer tulad ng namayapang Reycard Duet, Porkchop atbp tandem na nagpapatawa habang kumakanta.

Magkakaroon ng concert sina Nico and Dinky Duo Singing Comedian sa isang sikat na theatre sa Washington DC sa February 14, 2012.

Ang humimok sa kanilang magperform sa Tate ay ang producer na nagdala kay Sarah Geronimo sa Tate.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply