Zoren Legazpi tinatalbugan si Ruffa sa pagho-host

HOW awful seeing a hunk like Zoren Legaspi mimicking a lady’s way of hosting! Abaw, gid! Maraming na-shock sa aktor na ito nang gayahin ba naman nito ang kanyang ex-syotang si Ruffa Gutierrez sa pagho-host last Sunday sa Paparazzi.

Actually, masasabing permanent fixture na si Zoren sa show dahil madalas na siyang napapanood dito and he’s improving his craft.

But my dear Zoren, huwag mong gayahin si Rufingfing sa pagtayo at nakapamaywang ka pa. Pati yung tilamsik ng kamay nito ay gayang-gaya mo pa.

It’s unbecoming sa isang katulad mo!

Whew, tinatayuan ako ng balahibo kapag naiisip ko na lahat ba na nali-link kay Carmina Villaroel ay nagka-come out in the open at biglang sumisigaw ng “Darna!” Ha ha ha … !

Ano ba ito, from Rustom Padilla at ngayon, si Zoren?

Kaya naman, given sa amin na isang araw, mababalitaan na ‘allergic’ o traumatic na sa salitang kasal. Yes, a five letter word na kung mahulog sa bitag nito ay maghihirap ka sa pagkuha ng annulment ha ha ha … !

To make the record straight, inamin ni Mina sa interbyu na hindi nila napag-usapan ng aktor ang kasal although naniniwala siya sa kasal.

Hindi naman, ang ‘coming-out’ in the open ng dating dyowa na ngayon ay popularly known as BB Gandanghari. Lalong wala naman kani-kanilang relihiyon na kinasasaniban kaya hindi nila naisip ang magpakasal.

Ang pakiramdam ni Mina ay tapos na. As in, may mga anak na sila at masayang namumuhay sa iisang bubong kaya tama na, tapos na.

“I guess, kontentong-kontento na ako, hindi ko na dini-dream yan o wini-wish dahil wala nang kulang sa akin.”

Sa wakas may napiga rin sa kanya, aminado siya na talagang tsismoso ang mga lalaki at isa na dito si Zoren. Kung may nalalaman silang balita, ay sila-sila din ang nagsi-share.

Talagang nakatutok daw ito sa ‘asawa’ kapag Paparazzi na at ready na ang celfon dahil kung medyo may mali ito, tawag agad. Siya nga ang nagre-remind dito na medyo mag-pause at isipin muna ang kinukwento on air dahil baka makasakit ang damdamin. Paano kasi, dire-diretso daw ito sa pambubuking.

Teka, the scene reminds me of “100 Days To Heaven.” Ha ha ha … may naka-monitor!

***

AND speaking of religion, isang full fledged member ng Iglesia Ni Kristo na si Snooky. We bumped with each other sa Timog branch ng Calayan Surgicenter, she trimmed down and just done with her facial maintenance at the said clinic. She looked happy and contended and the reason, she found her true religion.

Inamin nitong marami siyang mga katanungan but left unanswered sa pinanggalingan nitong relihiyon at kaya naman siya nag-decide lumipat sa INK ay dahil ito ang nagbigay sa kanya ng landas para malaman ang mga katanungan na dala-dala nito mula sa kanyang pagkabata.

Mali daw ‘yung balita na may bago na naman siyang ‘papa’ na taga-INK at ito umano ang nag-convince sa kanya. “No, I have my own mind and a heart to follow. It’s my own choice, my own decision. It’s not true that I have a new love. Well, it’s Him!”

She left with questions at the back of my mind. Like, may kinalaman kaya ito sa  paghihiwalay ng kanyang mga magulang at her early age. May kinalaman din kaya ito sa pagpanaw ng kanyang only brother at pagpanaw ng kanyang ama na datihang aktor na si Von Serna.

Sumunod naman dito ang pagpanaw ng kanyang ina na si Mila Ocampo at ngayon, ang pagiging separated nito sa kanyang hubby na si Ricardo Cepeda?

Poor Snooky, mabigat din pala ang pinagdaanan nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply