ZTE broadband network project rerebisahin

MULING lumutang ang ZTE Broadband Network scandal whistleblower na si Rodolfo Lozada Jr. kasunod ng plano ng Aquino government na muling isailalim sa pag-aaral ang pagpapatuloy ng naudlot na proyekto ng Arroyo administration dahil umano sa laki ng kickback na kinasangkutan nina dating NEDA chief bago naging Social Security System chairman Rodolfo Neri at ng dating Comelec chairman Benjamin Abalos Sr.

Malaking pagbabago rin ang nangyari sa pamilya ni Jun Lozada na ngayon ay nagbabalik na sa normal na buhay ang pamilya matapos ang ilang taon sa pangangalaga ng mga madre sa La Salle Greenhills, San Juan City at ang ilang pagbabanta sa buhay niya at sa pag-aaral ng mga anak.

Malaking tulong ang broadband network kapag naipatupad lalo na sa malalayong lugar pero tiniyak ng Aquino administration na sa idaraos na pag-aaral ay daraan ito sa “matuwid na daan” na walang kickback na magaganap sa kasalukuyang mga opisyal.

o0o

HUMIGIT–KUMULANG sa apat na buwan na lang ang nalalabi bago ipagdiwang ng sangkatauhan ang pagsilang ng manunubos. Ang Pilipinas ang may pinakamahabang pagdiriwang ng Kapaskuhan. Sa katunayan mula pa noong Huwebes, Setyembre 1, ay nagkalat na ang mga naka-display na parol na gawa sa capiz at makukulay na papel de Hapon at mga palamuting pampasko sa mga lansangan sa Las Piñas, Metro Manila at sa kahabaan ng McArthur Highway lalo na sa lalawigan ng Pampanga.

Batbat na rin ng Christmas carols na pinatutugtog sa ere ng mga istasyon ng radyo at kung anu-anong Christmas display sa mga shopping mall at mga lobby ng mga pribadong establisimyento. Ang mga empleyado at mga manggagawa ng pribado at ng publikong mga kompanya ay pawang naghahanda na rin ng listahan ng mga inaanak, kaibigan at mga kamag-anak na bibigyan ng aginaldo sa inaasahang 13th month at yearly bonus. Yan ay kung mayroong ipagkakaloob ang kani-kanilang mga tanggapan at mga may-ari ng mga pinapasukan nila.

Maligayang Pasko sa lahat ng Filipino rito sa Pilipinas at maging sa ibayong dagat mula sa inyong kaibigan sa Huli ‘Yan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply