‘Balik Bayong Booth’ ilalatag sa Taguig

NAKATAKDANG ipatupad ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang paglalagay ng mga tindahan ng bayong sa mga pampublikong pamilihan sa bawat barangay upang maipalaganap sa mamamayan ang hangaring muling tangkilikin ang sinaunang bayong at basket sa halip na gumamit ng mga gawang synthetic sa kanilang pamimili, tulad ng platic bags na may ‘di magandang epekto sa kapaligiran, ayon kay 1st District Sangguniang Panlalawigan Member Baby Gloria Valenzuela De Mesa, kaninang hapon.

Sa ulat na ipinarating ng 15-pumping stations sa Metro Manila Development Authority (MMDA) kamakailan, sinabi ni De Mesa na nakababahala aniyang malaman na umigpaw na sa 18,796 cubic meters ang mga basurang hinakot mula sa ilog Pasig at Marikina kung ihahambing sa 13,988 cubic meters na nilimas noong 2009.

Bunsod ng nasabing pangyayari, sinabi ni De Mesa na layunin ng lokal na pamahalaan na sagipin sa pagkasira ang tinatahanang kapaligiran at sa pamamagitan aniya ng nilikha nilang ordinansa, maipapairal ang nilalaman ng batas na nagbabawal sa pagtitinda at paggamit ng non-biodegradable items tulad ng plastic bags at styrophor sa Taguig.

Kasabay ng ilalatag na eco-friendly ordinances sa Taguig ay ang pagpapalago ng pangkabuhayang industriya para sa mga kasapi ng Kabuhayan ng Mamamayan Producers Cooperative, na sinanay sa paggawa ng handicrafts mula sa pinatuyong tangkay ng mga waterlily.

Ang halamang ilog na itinuring na walang kabuluhan noon ay pangunahing sagot sa kahirapan na ngayon ng maralitang sektor at ito ay patuloy na umuunlad dahil sa pagkakaroon ng production at retail area sa mga lugar ng Taguig.

Samantala, sa napipintong paggunita ng kapaskuhan, sinabi pa ni De Mesa na aabot aniya sa 80,000 bayong na naglalaman ng mga pamaskong handog ang ibibigay ng pamahalaang lungsod para sa mamamayan nito habang ang mga parol naman na gawa pa  rin sa waterlily ay ikakabit sa mga piling lansangan ng Taguig.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply