‘Di ako humihingi ng tara – Lim

NAGBABALA si Customs Deputy Commissioner for Intelligence Danilo Lim sa mga taong gumagamit ng kanyang pangalan at nanghihingi ng tara o salapi sa mga negosyante na may transaksyon sa Bureau of Customs.

Bunsod ito ng pagkaka-aresto kamakailan ng dalawang lalaki sa Manila International Container Port na naaktuhang nanghihingi ng tara gamit ang pangalan ni Lim.

Nais ni Lim na malaman ng publiko na wala siyang inuutusan na manghingi ng salapi kaninuman para sa kanyang sarili o para sa kanyang opisina .

Nakakalat umano sa ibat-ibang opisina ng ahensya ang mga hinihinalang espiya ni Lim sa ilalim ng Depcom for intelligence kaya’t madaling na-pinpoint ang mga nagpapanggap na tao ng deputy commissioner.

Ilag na rin ang mga may iligal na transaksiyon sa loob ng BOC dahil sa mga bagong mukha na may bitbit na two-way radio na palakad-lakad sa loob ng BOC.

Hindi pa malaman ,ayon sa ilang taga Customs na tumangging magpakilala,kung hanggang kailan tatagal ang animo militarisasyon sa BOC at kung kakayanin ng mga nakaupo na pumikit sa kislap ng salapi. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply