‘Doctor on Boats’ nakaagapay sa mga binaha

WALANG tigil ang operasyon ng “Doctor on Boats” sa pagbibigay ayuda sa mga naapektuhan ng tubig-baha na sinalanta ng mga bagyong “Pedring” at “Quiel” sa Bulacan, Pampanga at Tarlac.

Kasabay nito, patuloy din ang pamamahagi ng Philippine Medical Association (PMA) ng water disinfectant sa walong barangay sa Pampanga na natukoy sa isinagawang water sample testing na positibo sa E. coli bacteria ang tubig na nagmumula sa kanilang poso.

Ayon kay  Dr. Michael Aragon, tagapagsalita ng PMA, kabilang sa kontaminado ng E. coli bacteria ang mga Barangay Sapang Kawayan, Niguil, Sagrada Familia, Bagang, Alaull, Baco at ang Barangay Iscundo sa bayan ng Masantol, Pampanga.

Ang PMA “Doctor on Boats” ay binubuo ng 15 teams at kinabibilangan ng 10 doctors, psychiatrists at psychosocial counselors. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply