‘Double your money’ scheme pinatitigil ng solon

PINATITIGIL na ng isang kongregista  sa  Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang ‘double-your-money’ o five-year term deposit na iniaalok ng ilang mga nagpapautang lalo na ang rural banks.

“These double-your-money offerings, which supposedly guarantee a net interest rate of 15 percent per annum, compounded yearly, clearly constitute unsafe and unsound banking practice,” ayon kay Rep. Arnel Ty, ng sectoral party LPG Marketers’ Association (LPG-MA).

Ayon kay Ty, kalabisan  ang  nagiging pang-engganyo ng mga bangko bilang kapalit ng limang taong idiniposito na magiging tatlong ulit ito ang limang porsyentong interest  nito.

Iginiit pa nito na ito ang nagiging  sanhi ng pagbagsak ang rural banks kaya dapat nang itigi ang  double-your-money scheme.

Hinikayat  din  ni Ty  ang  Philippine Deposit Insurance Corporation  (PDIC) na magpataw ng pwersahang aksyong legal laban sa mga opisyal ng mga naluging bangko dahil sa paglabag ng banking laws sa bansa.

Kamakailan lamang ay isinulong ni Ty ang House Resolution No. 1749 sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa bumagsak na LBC Development Bank.

Ang  BSP ay nakapagpasara  na ng  may 25  na bangko tulad ng Banco Filipino Savings and Mortgage Bank at LBC at maging ang  rural  banks sa taong kasalukuyan.

Kabilang dito ang Rural Bank of Tarlac Inc.; Bank of Calape (Savings and Mortgage Bank); Rural Bank of Garcia-Hernandez (Bohol) Inc.; Rural Bank of Matanao (Davao del Sur) Inc.; Express Savings Bank Inc.; Rural Bank of Tampakan (South Cotabato) Inc.; Rural Bank of President Roxas (North Cotabato) Inc.; Rural Bank of Tagudin (Ilocos Sur) Inc.;  Rural Bank of Nabas (Aklan) Inc.; Mambajao Community Rural Bank Inc.; Rural Bank of Agno (Pangasinan) Inc.; Banco Agricola Inc.; Rural Bank of Toledo Inc.; Advance Bank Inc; Growers Rural Bank (Angono, Rizal) Inc.; Rural Bank of Mapandan (Pangasinan) Inc.; Rural Bank of Norzagaray (Bulacan) Inc.; Rural Bank of Manjuyod (Negros Oirental) Inc.;  Rural Bank of Bingawan (Iloilo) Inc.; Rural Bank of Zapote (Las Piñas) Inc.; GMA Rural Bank of Cavite Inc.; Ibalon Rural Bank (Tabaco, Albay) Inc.; Rural Bank of Sta. Rosa (Nueva Ecija) Inc.; Rural Bank of Baler (Aurora) Inc.; at First Country Rural Bank (Pasig City) Inc.

Noong  2010, ipinasara din ng BSP ang  32 rural banks, kabilang ang  13 na iba pa na may kinalaman sa investment scam ng  Legacy Group of Companies.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply