‘Juan Time Program’ kasama na sa forecast ng PAGASA

UPANG higit na mapabuti ang forecast sa lagay ng panahon, pinaigting pa ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration-Department of Science and Technology (PAGASA-DOST) ang “Juan Time Program” na  magbibigay ng standard na oras sa bansa.

Ayon kay PAGASA-DOST Undersecretary Graciano Yumul, bilang official timekeeper ng bansa, isasama na ng mga forecaster ng PAGASA ang pagbanggit sa Philippine standard time sa kanilang mga advisory sa radyo simula sa Lunes (Oktubre 24).

Sa ganito aniyang sistema, mas madaling makapaga-adjust ng tamang oras ang publiko.

Sa mga susunod na linggo, gagawin na rin ang pag-uulat ng Philippine standard time sa telebisyon ng mga forecaster ng PAGASA sa buong bansa kapag naayos na ang lahat ng LED clock sa mga forecasting center ng ahensya.

Para naman sa mga mamamayang nais isabay ang kanilang oras sa hudyat ng Philippine standard time, maaaring tumawag sa PAGASA hotline 927-1335 o bisitahin ang kanilang website www.pagasa.dost.gov.ph. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply