‘Pangasinan boys’ vs ‘Batangas barakos’

PINANINIWALAANG dadanak ang dugo kapag natuloy ang pagpasok ng tinatawag na ‘Pangasinan boys’ para mag-operate ng iligal na sugal sa Batangas.

Sa natanggap na ulat ng Chokepoint, noong Biyernes (Oct. 7), naispatang nakikipagpulong ang ‘Pangasinan boys’ kay Lipa City Mayor Meynardo Sabili at ilang opisyal ng kapulisan ng lalawigan.

Matatandaan na dalawang linggo na ang nakararaan, pinahinto ang operasyon ng sugal sa buong Region 4-A, kasama ang Batangas.

Ito’y para bigyang daan ang pagpasok ng ‘Pangasinan boys’ na binubuo ng kilalang gambling lords sa  lalawigang ng Northern Luzon.

Ang dahilan – mas malaki ang offer na intelihensya na ibibigay ng ‘Pangasinan boys’ sa mga opisyal ng lungsod, bayan at awtoridad.

Kung bakit nakita si Mayor Sabili sa nasabing ‘meeting’ ay ‘di maipaliwanag ng informant. Bukas ang Chokepoint sa ano mang pahayag ng alkalde para  maipaliwanag ang kanyang  panig sa usaping ito.

Pero sa planong ito riyan sa R4-A, marami ang nagpahayag ng pagtutol, lalo na ang mga Batangueño. Banta nila – dadanak ang dugo.

Kung ang mga ‘Pangasinan boys’ ay pamoso sa kanilang pagiging ‘sikat’ sa kanilang lalawigan, aba’y ‘di patatalo ang mga Batangueño. Sa tawag pa lang na ‘Barakos’, aba’y dapat ikasindak.

Diyan kasi sa Batangas, ang paglalaro ng sugal ay ‘kultura’ nang minana na nila sa kanilang ninuno.

Bukod kasi sa hanapbuhay na ng maraming residente, nagsisilbi itong ‘hobby’ at palipas-oras ng mga ala-eeee.

Dir. Gen. Nick Bartolome, sir, baka magkatotoo ang banta na ito ng mga Batangueño! Dahil kapag nagkataon, may tama na naman ang administrasyong Aquino.

o0o

KOTONGAN SA QC-DPOS

May mga kawani ng QC-Department of Public Order Safety na sobra raw kung mangotong gamit pa ang pangalan ng kanilang hepe.

Pero ito kaya’y alam ng DPOS chief at ating kaibigang si ret. Gen. Elmo
San Diego?

May nakarating kasi sa ating sumbong na isang DPOS employee na nagpapakilalang ‘bata’ ng dating heneral ang humihingi ng lingguhang ‘tara’ (lagay) sa mga may-ari ng towing trucks. Dapat sigurong kumilos si Gen. San Diego rito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply