‘Sexhibit’ inilunsad sa Makati

INILUNSAD ang libreng “sexhibit” para sa publiko hinggil sa kaalaman para maka-iwas sa problemang sekswal.

Ang “sexhibit” ay binukasan kahapon (Oktubre 14) para sa edad 18 pataas na idinaos sa open parking space sa A. Venue Mall, Makati Avenue, Makati City mula alas-12:00 ng tanghali hanggang alas-12:00 ng hatinggabi.

Ang “sexhibit” ay kauna-unahang inilunsad sa Pilipinas na nagbibigay impormasyon hinggil sa realidad sa paggamit ng iba’t ibang kagamitang sekswal na naka-display na mag-e-educate kaugnay sa sexual health.

Ang condom ang isa sa tampok na kagamitan para maliwanagan ang kalalakihan kung paano gagampanan ang responsableng pagtatalik bilang proteksiyon sa sex-related problem.

“We want to shock viewers about the harsh realities of sexually-transmitted diseases (STDs) and unplanned pregnancies. We want them to realize that unprotected sex is risky and could result to a myriad of problems,” pahayag ni Isa Marfori, brand manager ng Durex

Ang condoms ay isa sa pinaka-epektibong paraan para makaiwas sa sakit na sexually transmitted infections (STI) na lumilipat sa genital secretions kasama na rito ang  HIV, gonorrhea, chlamydia, trichomoniasis at hepatitis B.

Samantala, iniulat na umaabot na sa 50,000 sanggol ang namamatay kada taon dahil sa hindi pagpaplano ng pagbubuntis o pagdadalantao.

Ito rin ay iniuugnay sa kawalang ng mahalagang impormasyon kaugnay sa productive health.

Marami ang nag-aakala na mga kabataan o mga bakla lamang ang kailangang magkaroon ng proteksiyon laban sa impeksyon ng HIV. Ang totoo, marami nang mga babae ang may HIV infection. Sa buong mundo, halos 40 milyong katao ang may HIV/AIDS at kalahati nito ay mga babae. Sa Canada, dumarami na ang babaeng may HIV.  Noong 2001, 25% ng mga taong napatunayang positibo sa HIV ay mga babae.

Kahit hindi na kailangang gumamit ng birth control dahil sa menopause, ang babaeng edad 40 pataas ay dapat pa ring may proteksiyon laban sa sexually transmitted infections (STIs) o impeksyon mula sa relasyong sexual tulad ng HIV.

Ang babae sa gayong edad ay maaaring diborsyada o biyuda at nasa isang bagong relasyon. Ang iba naman ay maaaring may partner na nakikipag-sex sa ibang babae, at dahil doon ay maaaring magka-HIV.

Ang fact sheet na ito ay magbibigay ng kaalaman upang makapag-desisyon upang protektahan ang sarili.

“Sexhibit also hopes to raise the level of awareness on unplanned pregnancies which is a very serious issue among women. We hope our campaign would make a dent and help reduce cases of health problems associated with it,” sabi ni Marfori. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply