‘Spoiled brat’ LTO chief

TILA, ayaw lisanin ng kontrobersya ang Land Transportation Office.  Una ay ang isyu tungkol sa Stradcom at nasundan pa ng iba.

At ang latest – ang utos ni Asec. Virgie Torres na pagpapaalis sa opisina ng samahan ng mga mamamahayag sa LTO building.

Dahil sa masangsang at ‘di kaaya-ayang kautusan na ito ni Torres, nalagay na naman ang naturang ahensya sa kontrobersya.

‘Di natin lubos na maintindihan ang aksiyon na ito ng lady official. Sa totoo lang, siya’y gumagawa ng kasaysayan sa LTO.

Bakit? Dahil walang  naging hepe ng ahensya ang nagpalayas sa mga reporter sa kanilang opisina sa LTO, kundi siya lamang.

Dahil sa ginawa, mauukit sa kasaysayan ng LTO ang kanyang pangalan bilang LTO head na nagpatanggal sa LTO press office.

Kasintanda na yata ng LTO ang press corps, pero ito ang unang pagkakataon na naitsapuwera ang samahan sa LTO bldg.

Ang dahilan ni Torres kaya  pinatanggal ang opisina ng LTO press corps ay dahil magastos daw ang mga ito sa kuryente.

Come on….ang babaw na dahilan. Ayaw lang na may nakakakitang media sa mga kalokohan sa kanyang pamunuan. Yan ang totoo.

Baka nakakalimutan ni Ginang Torres na may obligasyon ang mga reporter na ipaalam sa madla ang nangyayari sa gobyerno.

Pakiwari natin, honorable, ito’y dahil sa paniwala natin, kapag appointee ni Pangulong Noynoy Aquino, aba’y siguradong maaasahan.

Pero, tila nagkamali si PNoy dahil ang inakalang itinalaga na magpapabago sa tiwaling imahe ng ahensya ay ‘sakit ng kanyang ulo’.

Simula’t simula pa ng kanyang pag-upo ay walang ipinakikitang maganda si Torres, bagkus ay problema para kay PNoy.

Kaliwa’t kanan ang puna sa ‘di maayos na pamamahala, nguni’t pakiwari natin tila baga ‘di nababagabag si Asec. Torres.

Pero dapat niyang malaman na ang bagsak at dagan ng sisi ay kay PNoy na nag-appoint sa kanya sa puwesto.

Dapat siguro ay mag-isip-isip na si PNoy kung dapat pa bang manatili sa posisyon ang kanyang kaibigan at kabarilan.  Pakiwari kasi ni Mang Juan ‘spoiled brat’ si Asec.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply