“Mismong sa harapan ko binaril ang tatay ko!” – Vice Ganda

MARAMING bagay na nari-reveal tungkol sa buhay na pinagdaanan ni Vice Ganda. Napakakulay pala talaga ng life story niya.
For instnce, it is the first time na ni-reveal na binaril pala ang ama niya mismong sa harapan nilang magpapamilya noong di pa sobrang naglaladlad si Vice.
And yes, interesanteng ma-reveal na rati pala, sinubukang maging lalaki ni Vice and in fact, apat ang naging girlfriensds niya, although di naman niya nakangkang kahit isa man lang e naka lips-to-lips naman niyang lahat.
O di ba!
Heto na nga ngayon, nagbigay ng detalye si Vice sa kung paanong buhay nila nang patayin nga mismo sa kanyang harapan ang tatay niya. Binaril saw sa harap ni Vice Ganda ang kanyang ama noong teenager pa lang siya at hanggang ngayon, hindi pa rin niya nakalilimutan ang napakasakit na pangyayaring ito sa kanyang buhay.
“May nakaalitan siya, tapos binaril siya sa harap namin,” pagre-recall ni Vice.
“Mabigat, sobrang bigat po. It was a hard struggle for me during my early days, kasi bata pa lang ako noon. Sobrang traumatic, ’di ba, ’yung tatay mo duguan, tapos bitbit ko ang ulo ng tatay ko, dinadala namin sa hospital, sa Chinese General Hospi -tal. Tapos, patay, ’yung ganu’n.”
Taga-Tondo si Vice at nasa iisang lugar lang daw sila ng pumatay sa kanyang ama na hanggang ngayon ay nakikita pa niya. Hindi raw nakulong ang salarin kahit nagsampa sila ng kaso dahil na rin daw sa sistema ng hustisya sa atin.
“Hindi ko na alam ang nangyari sa kaso, hanggang sa naging bakla na ako, tumanda na akong ganito, hindi ko na po alam kung ano ang nangyari sa kaso. Sabi ko nga po sa mga kapatid ko, dedma na, sayang ang buhay kung buong buhay natin ay gugugulin na- tin diyan sa isang pangit na maliit na bahagi lang naman ng buhay natin.
“Sobrang tuldok lang naman ’yan, eh. Ang daming mas maligayang pagkakataon sa buhay natin, doon na lang tayo mag-dwell.”
Good thing nga about Vice, natuto siyang magpatawad at binabati pa raw niya ’yung pumatay sa tatay niya kapag nakikita niya, pati na rin ang mga anak nito.
“Minsan, nakakasabay namin sa simbahan, kasi nga nasa isang lugar lang kami, sa isang putsu-putsung lugar sa Abad Santos, tapos, naging barangay chairman siya ng barangay namin. Kaya hindi kami makalabas ng bahay, tapos nagpa-curfew siya. “Kunyari rarampa ako, sasali ako sa mga beauty contest, madaling-araw ako uuwi, sa iba ako dadaan, kasi sisitahin niya ako, ikukulong niya ako, ’yung mga ganu’n. Na pati kaming mga anak, binabalingan pa rin. Hindi natapos ’yung trauma.”
Chairman pa rin daw ang pamilya ng pumatay sa tatay niya at gusto raw niyang bali- kan ng kabutihan ang mga taong gumawa ng hindi maganda sa pamilya nila.
Gusto niyang magpagawa ng basketball court sa lugar nila para na rin sa kanyang mga kabaryo at para na rin mapatunayan niya sa sarili na wala nang poot sa kayang dib- dib.
Bukod sa Praybeyt Benjamin movie, isa pang dapat abangan kay Vice Ganda ay ang kan- yang upcoming show sa Metro Comedy Bar, West Ave on Nov. 18 titled Private Vice…Revealed!
For tickets, please call or text 09178138266.
&&&

Totoo ba sa isa’t isa o nagpa-plastikan lang sina Gob. Vilma Santos at Jennylyn Mercado?

Boto ba o hindi boto si Gov. Vilma Santos kay Jennylyn Mercado para sa anak niyang si Luis Manzano? Plastikada lang ba si Ate Vi when she would always say na kung saan maligaya ang anak niya ay doon siya?
O baka naman si Jennyln ang plastik at nilalaro lang si Vilma Santos. Kasi nga, nagsisipsip siya rito.
At least, sa interview ni Jennylyn noong isang araw kay gobernadora, medyo napali- tan ang mga opinyon ng mga tao sa paligid nila.
Positive kasi ang feedback sa VTR interview ni Jennylyn Mercado kay Gov. Vilma San- tos na inere sa Showbiz Central last Sunday. Nabura ang speculations na hindi siya type ni Ate Vi for Luis Manzano at ayon nga mismo sa Star For All Seasons, hindi siya nakikialam sa love life ng panganay na anak.
Very comfortable naman si Jen with Gov. Vi. Nakatutuwa na binanggit ng Star for All Seasons na magaling na ang aktres na mag-host at sumagot naman si Jen na tinuturuan kasi siya ni Luis.
Overwhelmned si Jen sa interview with ate Vi dahil hindi nga naman lahat ay nabibig -yan ng pagkakataon na makapanayam ang magaling na aktres/politician.
Sa kanyang career naman, ang latest ay may bago siyang endorsement kung saan ay ma- kakasama niya ang anak na si Alex Jazz. May bago rin siyang slimming product endor- sement.
Jen is also training for triathion run this November. She’s also taking up dance lessons for her production numbers sa Party Pilipinas. Balak din niyang isingit ang cooking and baking class.
So far ay tatlo ang regular shows ni Jen sa GMA-7 —  Party Pilipinas, Showbiz Cen- tral and Protégé. At kasalukuyang hinihintay niya ang bagong soap na ibibigay sa kanya ng network.
Sa kabila ng pagiging busy ng aktres sa trabaho ay sinisigurado niyang hindi niya napababayaan ang anak. Hands on siya sa pagpapalaki kay Jazz and she always finds time na ipasyal ito.

&&&

Bading ba kapuwa sina Wally Bayola at Paolo Baleesteros?

Napakahusay kasing magbakla-baklaan pareho nina Wally Bayola at Paolo Ballesteros, kapuwa mainstay sa Eat Bulaga. Hindi mo talaga mahahalata na mistulang mga babae kung kumilos sila.
At si Paolo, at home na talaga sa bakla role and in fact, di na siya nabigyan ng role na panlalaki.
Pero ayon kay Wally, di naman siya bakla. May asawa raw siyang tao at may mga anak pa.
Natatawa lang daw si Wally Bayola kapag pinagdududahan ang gender niya ng mga kasa- ma sa show.
Minsan, isinama siya ni Allan K sa isang gay bar at binigyan pa ng libro kung saan nandoon ang mga kalalakihan na naka-display ang mga machong katawan.
“Tiningnan ko naman at sinabi sa sarili, ano gagawin ko dito? Hinayaan ko na lang si Allan. Doon lang talaga napagtanto niya na hindi ako bading, hahaha!” kuwento ni Wally.
Pero inamin ni Wally, apektado ang kanyang mga anak kapag sinasabihan siyang ba- ding. Ask namin sa kanya kung ano talaga ang tingin niya kay Paolo Bal-lesteros?
Smell daw niya, positive, na sinabayan ng tawa.
“Sa tuwing magkasama kasi kami sa segment namin sa Eat Bulaga, ako ang ma-dalas makakita ng guwapo at itinuturo ko kay Paolo. Tawag nga niya (Paolo) sa akin ay girl. Ako naman Paolo ang tawag ko sa kanya. Pero kapag ang anak niya ang napag-uusapan, napapaiyak si Paolo. Talagang mahal na mahal niya ang kanyang anak,” tsika ni Wally.
Eh, sa tanong kung ano ba talaga ang tingin niya kay Paolo? Napatawa ito ng malakas sabay sabing: “Ako rin naguguluhan. Kayo na lang ang tumuklas, hahaha!”)

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply