1-anyos paslit nalunod sa isang baldeng tubig

PATAY na nang matagpuan ang isang taong gulang na lalaki nang malunod sa isang baldeng tubig sa Bacolod iniulat ng pulisya kanina.

Sa imbestigasyon ng awtoridad, inihayag ng ina ng paslit na si Jenny Rose na sandali niyang iniwan sa kanyang bayaw ang anak para bumili ng pagkain.

Sinasabing posibleng may inaabot o kinukuha ang biktima sa loob ng balde na puno ng tubig at aksidenteng na syut ang bata sa balde.

Iniimbestiagahan na ang nasabing insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply