1 holdaper patay matapos makipagbarilan sa pulis

ISANG holdaper ang namatay habang isa naman ang kritikal sa pagamutan matapos makipagbarilan sa mga awtoridad kaninang hatinggabi sa Polomolok, South Cotabato.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas 12:00 ng hatinggabi nang makatanggap ng tawag ang Polomolok Municipal Police Station na pinasok ng mga holdaper ang isang internet café sa may Bayan Street.

Agad rumesponde ang mga pulis na pinamumunuan mismo ng hepe ng Polomolok Police Station na si Police Superintendent Fernando Porte. Pagdating nila sa lugar ay agad silang pinaputukan ng mga suspek na nasa pintuan ng Kroks Internet Café.

Dito na nagpalitan ng putok ang tatlong holdaper at mga tauhan ng Polomolok Police Station.

Sa engkwentro, isang hindi pa kilalang suspek ang namatay, samantalang isa naman ang kritikal sa pagamutan na nakilalang si  Bryan Jan Rivera, 18, residente ng Barangay Magsaysay, Polomolok, South Cotabato.

Nakatakas naman ang isa pang kasamahan ng mga suspek. Inaalam pa ng pulisya kung mayroong grupo ang tatlong suspek sa kanilang mga iligal na gawain. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply