1 na patay sa bagyong ‘Quiel’

ISA na ang naitalang patay dahil sa pananalasa ng bagyong Quiel ngayong araw.

Ang nasabing namatay ay mula sa naganap na landslide sa Mt. Province habang nananalasa ang bagyong Quiel.

Ayon kay Cordillera Administrative Region (CAR) Disaster Risk Director Olive Luces, naganap ang trahedya nang pilitin ng drayber ng isang colorum na 14-seater van na dumaan sa Gonogon Road na isang landslide-prone area.

Nagkataon na nagkaroon ng landslide sa nabanggit na lugar nang dumaan ang van na patungo sana sa Bontoc.

 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply