1 patay, 1 sugatan sa napraning na kainuman

PATAY ang isang kelot habang sugatan ang isa pa matapos pagsasaksakin ng kainuman na napraning habang nag-iinuman sa Valenzuela City kagabi (Oktubre 24).

Hindi na umabot ng buhay sa Valenzuela Genaral Hospital sanhi ng saksak sa kaliwang kili-kili si Ryan Villanda, 25, habang nilapatan ng lunas sanhi ng saksak sa kaliwang braso si Roldan Lumibao, 23, kapwa ng Molina st., Viente Reales ng nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Rommel San Juan, 35, kapitbahay ng mga biktima.

Base sa ulat, dakong alas-11:00 ng gabi, nag-iinuman ang biktima at suspek sa nasabing lugar nang biglang mapraning ang huli.

Agad na nagbunot ng patalim ang suspek at inundayan ng saksak ang mga biktima.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang mga biktima sa VGH.

Inaalam na ng mga pulis kung bakit napraning ang suspek. Rene Manahan

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply