1 sundalo patay, 3 sugatan sa ambush

NAPATAY na naman ang isang sundalo samantalang sugatan ang tatlong iba pa sa panibagong insidente ng ambush kagabi (Oktubre 25) sa Zamboanga City.

Nakasakay ang apat na sundalo na pawang miyembro ng Task Force Zamboanga ng isang pump boat at pabalik na sana ng detachment mula sa pagpapatrolya sa dagat nang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan.

Naisugod pa sa ospital ang apat na sundalo pero binawian ng buhay ang isa sa mga ito.

Ayon kay Task Force Zamboanga Commander Col. Buenaventura Pascual, hindi naman sympathizer ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang grupong tumambang sa kanyang mga sundalo subalit inaalam pa rin nila ang kabuuan ng insidente.

Kaagad rin aniyang nakaresponde ang iba pang sundalo kaya naman dalawa sa mga suspek ang napatay sa sagupaan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply