1 toneladang isdang ‘putok’ nasabat sa Mindoro

TINATAYANG aabot sa isang toneladang galunggong na hinihinalang huli sa dinamita ang nasabat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Occidental Mindoro.

Sa pagtataya, aabot sa P500,000 o kalahating milyong piso ang halaga ng mga tinaguriang “isdang putok.”

Kasabay nito, 22 mangingisda na lulan ng commercial fishing boat mula sa Nasugbu, Batangas ang inaresto.

Kinumpiska rin ang kani-kanilang sinasakyang bangka matapos na walang maipakitang dokumento.

Nasamsam din ang mga apat na sako ng ammonium nitrate at iba pang paraphernalias na ginagamit sa dynamite fishing.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply