10-anyos nakaligtas matapos gahasain at ibaon sa lupa ng pinsan

KINASUHAN na ng rape ang 21-anyos na suspek sa panggagahasa sa sarili niyang pinsan sa Barangay Kauswagan, Magpet, North Cotabato nitong Linggo ng umaga, Oktubre 2, 2011.

Ito ay nang nakaligtas sa pagkakabaon sa lupa ang biktima na nagtamo rin ng sugat sa ulo at leeg makaraang hinampas ng matigas na bagay ng suspek na si Dennis Quilaton.

Sa pahayag ng ama ng biktima, matapos mawalan ng malay, inilibing ng suspek ang kanyang anak sa mababaw na hukay at tinabunan ng dahon ng saging.

Ilang oras ang nakaraan, nagising ang biktima at nagawang humingi ng tulong sa mga kapitbahay.

Agad naman itong dinala sa ospital habang sumunod na nahuli si Quilaton.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply