10 katao nalason sa pancit palabok sa Cagayan

NALASON ang may 10 katao makaraang kumain ng pancit palabok sa Ballesteros, Cagayan.

Kasalukuyang nagpapagaling ang mga biktima sa Ballesteros District Hospital na isinugod makaraang makaranas ng dehydration dahil saka lamang sila isinugod sa pagamutan nitong Oktubre 11 matapos mangyari ang insidente noong Linggo ng Oktubre 9.

Nabatid na sabay-sabay na nakaramdam ng pananakit ng tiyan, pagtatae at lagnat matapos na kumain ng pancit palabok ang magkakapatid na Fronda na sina Juroh, 3; Shairah, 12; Elvis Jr., 12, at Kiarra, 14; mga kasambahay na sina Jezzabel Alverasado, 16; Ana May Soriano, 17; Fernalyn de Sto. Thomas, 18; Maricel Pascua, 21; Mary Jane Sabal, 24, at Melay Busto, 25.

Hinihinalang kontaminado ang tubig na ginamit sa pagluluto ng pancit na ginawang meryenda ng mga biktima kung kaya’t nalason ang mga ito kung saan dalawang metro lamang kasi ang layo kasi ng septic tank sa deep well na pinagkukuhanan ng tubig noong magsagawa ang mga ito ng inspeksiyon.

Nagsagawa na rin ng pagsusuri ang Department of Health upang mabatid ang tunay na dahian ng pagkalason ng mga biktima.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply