10 Pinoy na pinalaya ng Somali pirates nakauwi na

DUMATING na sa Pilipinas kaninang umaga ang sampung tripulanteng Filipino na kasama sa binihag ng mga Somali pirate noong Pebrero sa Arabian Sea, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ang mga nasabing tripulanteng Pinoy ay dumating sa Ninoy Aquino International Airpot (NAIA) sakay ng Qatar Airways kaninang alas-9:oo ng umaga.

Matatandaan na hinaydyak noong Pebrero 28, 2011 ang MV Dover, isang Panamanian-flagged na pag-aari ng Greek ng mga pirata kung saan nagtatrabaho ang mga Pinoy.

Pinalaya umano ng mga pirata ang mga bihag kasama ang sampung Pinoy matapos na magbayad ng ransom ang employer ng mga ito.

Ang Embahada ng Muscat ang tumulong at nagkaloob sa lahat ng pangangailangan ng mga napalayang tripulanteng Pinoy habang naghihintay sila ng kanilang repatriation sa Salalah, Oman.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply