10 pulis ng QCPD kakasuhan sa jailbreak

NAGSAMPA ng kasong kriminal ang isang opisyal ng Quezon City Police District (QCPD) laban sa dating mga tauhan nito hinggil sa pagtakas ng siyam na preso sa kulungan ng Fairview police station noong Setyembre 14, 2011.

Si Superintendent Edgardo Pamittan, erstwhile commander ng QCPD-Station 5, ang tumayong complainant sa kasong “evasion through negligence” sa ilaim ng Article 224 ng Revised Penal Code laban sa sampung pulis na isinampa sa Quezon City Prosecutor’s Office kahapon (Setyembre 30).

Ang mga kinasuhan ay sina Senior Police Officers 2 Reymundo Paligutan at Crisanto Jeroza; Senior Police Officers 1 Jonathan Caranza at Dante Surban; Police Officer 3 Manuel Ereno at Police Officers 2 Joselito Imperial, Alfredo Pastor Jr., Eliseo Santos, Jaime Samson at Romeo Guererro.

Matatandaan na sinibak si Pamittan bilang station commander dahil sa naturang jailbreak noong nakaraang buwan.

Batay sa imbestigasyon, naipuslit ang isang hacksaw sa loob ng detention cell isang araw bago naganap ang jailbreak ng nobya ng isa sa mga preso. Ito ang ginamit na pambutas ng pader na dinaanan ng mga pumuga.

Simula noon, anim na ang nadakip at naibalik sa kulungan.

Sa isinampang reklamo sa piskalya, nakasaad na si Paligutan ang naka-duty na desk officer, habang si Cagasan naman ang naka-duty sa station’s tactical operation center nang maganap ang jailbreak.

Sina Jeroza, Caranza, Surban, Pastor, Santos at Imperial ay mga on-duty operatives habang sina Guerrero at Samson naman ay ang jail officers.

Ayon kay Chief Inspector Rodelio Marcelo, head of the QCPD Criminal Investigation and Detection Unit, sa kanyang sulat sa piskalya na kung hindi nagpabaya sa tungkulin ang mga kinasuhan ay hindi makakapuga ang mga persyo at hindi rin maipupuslit ang hacksaw na ginamit sa pagtakas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply