10-taong gulang na paslit hinalay ng kapatid

HINALAY ng 15-taong gulang na kapatid na lalaki ang 10-taong gulang na batang babae sa loob mismo ng kanilang bahay sa Barangay 76-A Bucana, Davao City.

Ayon sa biktimang si Nene (di tunay na pangalan), pangatlong beses na umanong ginagawa ng kanyang kuya ang panghahalay subalit natakot lang siyang magsumbong sa magulang.

Huling naganap ang panggagahasa nitong nakaraang Biyernes.

Ayon sa tatay ng biktima, duda umano siya sa anak niyang lalaki na gumagamit ito ng solvent dahil mapula lagi ang mga mata nito.

Salaysay pa ng tatay na buong araw halos naglalakwatsa ang suspek at gabi na kung hindi ma’y madaling araw na ito umuwi sa kanila.

Nakatakdang ipasuri ang biktima sa mga doktor samantalang ang suspek naman ay hawak na ng DSWD para sa isang rehabilitasyon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply