10-wheeler truck gumewang, 4 grabe

MALUBHANG nasugatan ang apat katao makaraang mawalan ng preno ang isang 10-wheeler truck sa pababang bahagi ng San Mateo Road, Batasan, Quezon City kaninang umaga, Oktubre 6.

Nabatid sa dzMM na isinugod ng mga tauhan ng Philippine Red Cross sina Norberto Estrella, 57 anyos at Ronel Siti, 45 anyos sa East Avenue Medical Center matapos madaganan ng mga nahulog na plywood na sakay ng truck habang dalawa pang hindi pa nakikilang estudyante ng Batasan Elementary School ang nasugatan sa aksidente.

Base sa pahayag ng drayber ng truck na si Nani Boy Anahaw, nawalan umano siya ng kaya nagpagewang-gewang ang truck hanggang sumadsad sa gilid ng kalye at sumalpok sa poste ng kuryente.

Nabatid pa na anim na bahay din at dalawang sasakyan ang nasira ng truck kung saan nagdulot din ito ng pagsisikip ng daloy ng trapiko.

Gumamit pa ng payloader ang mga awtoridad upang maitabi lamang ang mga tumilapong plywood.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply