100 bahay naabo sa Libis

TINATAYANG mahigit na 100 bahay ang natupok ng apoy makaraang magkasunog sa Bonifacio Road sa Libis, Quezon City kagabi, bago maghatinggabi, Oktubre 27.

Nabatid na bandang 11:00 ng gabi nang magsimula ang sunog na mabilis kumalat kung kaya’t kaagad na nirespundehan ng mga bumbero mula sa mga katabing lungsod.

Nahirapan ang mga bumbero na pasukin ang compound dahil masikip ang daanan kaya kinailangan pang sirain ang ilang dingding doon para makapasok.

Mapalad namang agad na nakalikas ang mahigit 200 pamilyang naninirahan sa lugar kung saan ginawang evacuation center ang covered court ng barangay.

Kasalukuyang inaalam pa ng awtoridad ang pinagmulan ng sunog.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply