‘100 Days To Heaven’ bumaba ang ratings dahil Kay Paulo Avelino

TOTOO kayang nu’ng linggo na nagsimulang lumabas si Paulo Avelino sa “100 Days To Heaven” ng ABS-CBN ay nagsimula na ring bumaba ang ratings ng show?

Kung totoo ito, marami ang nagsasabing wala naman daw lasing kabuhay-buhay kung umarte ang dating GMA artist.

Ang malas pa niya ay marami siyang eksena with Phillip Salvador na feel na feel ang pagiging kontrabida n’ya. Sa acting pa lang ng mga mata ni Phillip, lunud na lunod na raw si Paulo.

Pero may good news na may kaugnayan kay Paulo. Ang pelikula nila nina Jean Garcia at Rocco Nacino na “Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa” ay nakakuha ng rating na A sa Cinema Evaluation Board. That means maganda ang pelikula at malaking rebate sa amusement tax ang matatanggap ng mga producer na unang ipinalabas sa Cine Malaya nitong nakaraang festival nila nung Hulyo.

Malapit nang ipalabas sa commercial theaters ang nasabing pelikula na tungkol sa isang teacher ng Literature at ballroom dancing at sa dalawang estudyante n’yang ginagampanan nga nina Paulo at Roco. Maraming magagandang kanta at pagtula sa pelikula kaya’t magri-release ang mga producer nito ng CD ng soundtrack ng pelikula. Baka pati ang pagbasa ni Paulo ng isang tula ay nasa CD rin.

Mukhang malapit na rin ipalabas ang pelikula nila ni Lovi Poe na “Aswang.” Wala pa kaming gaanong alam tungkol sa pelikula dahil wala pa kaming nababasang publicity material tungkol dito. Pero panay ang plugging ni Paulo sa pelikula sa Twitter n’ya, pati na rin ang manager ni Lovi na si Leo Dominguez.

Isa pang bad news about Paolo: natsitsismis siya na may kaugnayan sa isang bading na production executive. Tsismis lang naman yon. Tiyak na idi-deny n’ya yon, pati na ang lahat ng nilalang na may kaugnayan sa pagpapaasenso sa career n’ya.

Actually, lahat naman ng batang aktor na biglang maraming project ay natsismis na nagkaroon ng sexcapade sa bading na production executive na yon. Kaya siguro di magtuluy-tuloy ang pagsikat nina Martin Escudero at Jason Francisco ay dahil di sila na-link sa binabaeng production executive na yon.

Hala, sige, magpa-link na kayo nang sumikat kayo!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply