100 katao apektado, 3 paslit tepok sa diarrhea

KASALUKUYANG nasa ilalim ng state of calamity ang barangay Tinoto, Maasim, sa Saranggani Province makaraang 100 katao na ang naaapektuhan ng diarrhea na ikinamatay ng tatlong bata.

Nabatid na isinailalim na sa state of calamity ang naturang barangay dahil sa outbreak ng sakit na nagsimula noong nakaraang linggo.

Samantala, inaalam pa ng mga health officials kung ang iniinom na tubig ng mga residente sa barangay ang dahilan ng diarrhea.

Tinatayang nasa edad limang taon pababa ang mga nasawing bata.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply