1,000 pamilya apektado ng pagbaha sa Sultan Kudarat

UMABOT sa 1,000 pamilya ang naapektuhan ngayon ng tubig baha sa Sultan Kudarat bunga ng matinding buhos ng ulat sanhi ng bagyong “Ramon.”

Ang datos ay kinumpirma ni Bonifacio Selma, disaster operations chief ng Department of Social Welfare Office 12 (DSWD). Ang tinatayang mahigit 1,000 pamilya ay nakatira malapit sa Alah River sa bayan ng Lambayong na malimit na umaapaw kung panahon ng tag-ulan.

Wala naman umanong napabalitang namatay sa naturang pagbaha dahil sanay na ang mga naturang residente sa pag-apaw ng Alah River.

Karaniwan na umano ang pagbaha sa lugar kung may pag-uulan sa mga dinadaan ng naturang ilog.

Maliban sa Lambayong, wala na umano silang na-monitor na iba pang insidente ng kalamidad sa buong Rehiyon 12.

Agad naman nagpadala ng tulong sa mga apektadong pamilya ang DSWD.

Muli namang nagpapaalala si Selma sa mga residente na nakatira sa mga binabahang lugar na maging alerto sa lahat ng oras lalung lalo na ngayon na palaging umuulan.

Siniguro rin nito na may sapat na suplay ang kanilang tanggapan sakaling kinakailangan ang ayuda sa mga pamilyang apektado sakaling magkakaroon ng paglikas. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply