100,000 loaf bread ipamamahagi

MAMAMAHAGI ng mahigit na 100,000 loaf bread ang dalawang bakers association kasunod ng nakatakdang pagdiriwang ng “World Bread Day” sa darating na Oktubre 15 hanggang Nobyembre 7 sa iba’t-ibang lalawigan na labis na nasalanta ng bagyong “Pedring” at “Quiel.”

Ayon kay Lucito Chavez, presidente ng  Philippine Society of  Baking(PSB), kasama nilang magluluto ng daang libong loaf bread ang Filipino Chinese Bakers Association para ipamahagi sa mga naapektuhan ng bagyo sa pamamagitan ng pakikipag koordinasyon sa Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Magsasagawa rin ng feeding program at serye ng baking seminars para sa patuloy na pagpapamahagi ng kaalaman sa paggawa ng tinapay.

Hinimok din ni Chavez ang mga ina na mag-bake ng tinapay bilang pakikiisa sa “World Bread Day.” Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply