100K para sa 2013

ISANGDAANG libong sasakyan ang balak ilabas ng Toyota Motors Philippines Inc., o TMPI mula sa planta nito sa Laguna pagdating ng taong 2013.

Ayon sa mga report, nakipagpulong si Pangulong Benigno Aquino III sa mga executive ng Toyota Motors sa kanyang state visit sa Japan, at napag-usapan nga nila rito ang planong pagpapalawak ng operasyon ng kompanya na halos aabot sa halagang P3.6 bilyon.

Malaking bahagi ng budget ay mapupunta sa isang manufacturing plant ng mga “next-generation components” ng Toyota. Ayon kay Presidential Communications Operations secretary Herminio Coloma, marahil ay ang ibig-sabihin ng Toyota sa “next generation components” ay ang kanilang mga hybrid at electric cars. Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami na masugid ang Toyota sa pag-eksperimento sa mga makabagong konsepto ng sasakyan, lalo na ang nauusong hybrid at electric cars.

Bahagi rin ng expansion na ito ng TMPI ay ang pagpapalawig ng kanilang dealership sa bansan na sa kasalukuyan ay nasa 29 na dealer pa lamang.

Target ng TMPI na umabot sa 65 ang kanilang dealers sa buong bansa pagdating ng 2016.

Dagdag ni Coloma, magandang balita ito para sa bansa, dahil makapagbibigay ito ng trabaho sa humigit-kumulang na 5,000 Filipino.

Ang Toyota ang nagngungunang manufacturer ng sasakyan sa bansa. Katunayan, noong Hulyo lamang ay nakapagbenta sila ng 4,374 yunit ng mga sasakyan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply