11 team magsasalupakan sa 2nd PBA D-League tournament

ANG matagumpay na unang PBA Developmental League ay susundan ng pangalawang torneo na lalahukan ng 11 teams sa pangunguna ng defending champion NLEX Warriors na naka-iskedyul sa Oktubre 20 sa Ynares Sports Arena sa  Pasig City.

Ayon kay D-League director Butch Maniego, bukod sa NLEX Road Warriors at Runner-up na Cebuana Lhuillier magbabalik din ang RNW Pacific Pipes, Blackwater Elite-Arellano University, Cobra Energy Drink-University Of The East, Café France, PCA Gilmore, FCA Cultivators, Freego Jeans, at ang mga bagong lahok na Boracay Rum at DUB Equipment na kakatawanin ng mga player ng Trinity University at dalawang dribblers mula sa San Beda Red Lions na sina Garvo Llanete at Jake Pascual.

Apat na team naman – ang JR Powerade, Maynilad, Max Bond at Pharex ang pansamantalang lumiban nang ilang players nila ang pumasok sa nagdaang PBA 2011 Rookie Draft.

Ang mga laro ay gaganapin tuwing Lunes, Martes at Huwebes na iiayre sa AKTV ng IBC 13.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply