7 ASG-MILF, 4 sundalo utas sa bakbakan

LABING-ISA katao, kabilang ang apat na sundalo ang nasawi sa bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at pinagsanib na pwersa ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Abu Sayyaf sa Albarka, Basilan, kanina.

Ayon kay Special Task Force Basilan Commander, Col. Alexander Macario, naka-engkwentro ng mga tauhan ng 13th Special Forces ang mga miyembro ng MILF sa pangunguna ni Haji Laksaw Dan Asnawi, alyas Hji Dan Asnawi at Abu Sayyaf Commander Nurhassan Jamiri sa Sitio Baquisong sa Barangay Cambug.

Tumagal ng anim na oras ang bakbakan hanggang mamatay ang apat na sundalo at pitong lawless elements.

Ang lider ng MILF forces ay may pending warrant of arrest at pugante sa Basilan Provincial Jail.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply