12 embahada ipinasasara sa DFA

IPINASASARA sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang 12 embahada at konsulada ng Pilipinas sa iba’t ibang panig ng mundo na itinuturing na walang silbi at nakadadagdag lamang sa gastusin ng pamahalaan.

Sa ginanap na pagdinig ng Senate finance committee sa panukalang P10.9-bilyong badyet ng DFA para sa 2012, iginiit ni Sen. Franklin Drilon kay Foreign Affairs Secretary Albert F. del Rosario na ipasara na lamang ang embahada na hindi lubusang pinakikinabangan ng bansa.

Ani Drilon, mayroong mga embahada at konsulada na kakaunti lamang ang pinagsisilbihang Filipino at halos wala ding palitan ng kalakal ang dalawang bansa.

Inamin naman ni Del Rosario na may mga embahada at konsulada na walang silbi kung kaya’t ipinangako nitong isasara ang 12 foreign post hanggang sa pagsapit ng taong 2013.

“Secretary Del Rosario agreed that indeed there is basis to rationalize and he has agreed to closed twelve embassies between now and 2013 but we asked him to accelerate this so that the twelve foreign post can be closed by the end of 2012,”paglalahad ni Drilon.

Umaabot sa 67 embahada, 23 konsulada at apat na missions ang nakakalat sa buong mundo.

Sa pagpapasara ng 12 foreign post, sinabi ni Drilon na makatitipid ang DFA ng P100 hanggang P150 milyon pero hindi umano ito ibabalik sa National Treasury kung hindi pananatilihin sa DFA.

Upang hindi mawalan ng trabaho ang mga empleyado sa 12 foreign post, sinabi ni Drilon na ipalilipat lamang sila sa mga bansa kung saan maraming nagtatrabahong overseas Filipino workers (OFWs).

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply