12 nanloob sa Palawan Pawnshop natimbog na

SHOOT na sa kulungan ang 12 suspek sa panloloob sa main branch ng Palawan Pawnshop sa Puerto Princesa, Palawan noong Hulyo 11, 2011.

Base sa imbestigasyon, gumawa ng tunnel sa ilalim ng lupa ang mga suspek upang makuha ang milyung-milyong halaga ng alahas at libu-libong halaga ng salapi.

Ang mga nadakip ay nakilalang sina Rodolfo Laguiden, Freddie Ringor, Sherwin Malakdan, Carlos Lim, Peter Dalog, Bernie Bagangan, mga taga-Baguio City, Melchor Ticubay (La Trinidad), Lito Diego (Daripdip, Candon, Ilocos Sur), Danilo Ambil, Villamor Wagis, Robinson Daguasi, Ponciano Bautista na taga-Cavite at pansamantalang naninirahan sa Narra, Palawan.

Nadakip ang mga suspek sa sa iba’t ibang lugar sa Luzon sa pangunguna ng Special Operation Group (SOG) na pinamumunuan ni Randy Suelo, katuwang ang Puerto Princesa PNP at Palawan Task force.

Ang modus operadi ng mga suspek ay kahintulad sa istilo ng mga pawnshop robbers sa Kamaynilaan kung saan binubutas ang sahig at gumawa ng tunnel mula sa imburnal.

May 600+ branches nationwide ang Palawan Pawnshop na pag-aari ni Mr. Bobby Castro.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply