12 naospital sa chemical spill sa Boracay

UMAABOT sa 12 katao ang isinugod sa pagamutan matapos ang chemical spill sa compound ng Boracay Island Water Company (BIWC) sa Brgy. Balabag sa isla ng Boracay.

Agad na dinala sa ospital ang mga biktima na karamihan sa mga ito ay residente, empleyado ng naturang kompaniya at mga rumespondeng taga-Municipal Health Office at Philippine Red Cross dahil sa umalingasaw na chlorine gas.

Nakaramdam ng pagkahilo ang mga biktima nang makalanghap ng masangsang na amoy.

Ayon kay Eduardo dela Cruz, supervisor ng waste water system department, sumingaw ang kemikal nang matumba ang kanilang cylinder tank at masira ang bulb nito dulot ng gasket malfunction.

Napag-alaman na isinasailalim sa rehabilitasyon ang dating compound ng naturang kompaniya dahil sa paglipat nito sa main land sa Caticlan, Malay, Aklan.

Sinasabing ilan din sa mga tangke nito ay luma na kaya’t isa-isa na itong dinadala sa Metro Manila.

Sa ngayon, may binuo na ring crisis management committee ang kompaniya upang mangasiwa sa gagawing hakbang.

Naremedyuhan na at nalagyan ng takip ang sumingaw na tangke kaya’t naiwasan ang pagkalat ng kemikal.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply