13-anyos rape victim tangkang patahimikin

SARILING buhay ang itinaya ng 40-anyos na ama nang saluhin ang bala na para sana sa kanyang 13-anyos na anak na biktima ng panggagahasa makaraang tangkaing patayin ng dalawang armadong lalaki sa Taguig City.

Dead on arrival sa Taguig-Pateros District Hospital si Celso Maxian, 40 ng Blk 22 Lot 17 Purok 3 Central Bicutan sanhi ng tama ng bala ng kalibre .45 sa ulo at mukha habang nakaligtas naman ang kanyang anak na itinago sa pangalang “Christina.”

Sa imbestigasyon ni SPO1 Rodelio Abenojar ng Investigation and Detective Management Section ng Taguig police, pauwi ang mag-ama matapos dumalo sa pagdinig sa kasong panggagahasa na inihain ng biktima laban sa isang Police Chief Insp. Reynante Ibon nang tambangan ng dalawang suspek na ang isa ay nakilala sa pangalang Rodolfo Portabis, alyas Dodong, pasado ala-1 ng hapon.

Sa pahayag ng anak ng namatay sa pulisya, nakita nila si Portabis at ang isa pang suspek na kausap ni Ibon sa gilid ng Hall of Justice matapos ang naging pagdinig kaya sinabihan siya ng kanyang ama na magmadali sa paglakad pauwi sa kanila.

Napag-alaman na ang ama ni Christina ang tumatayong complainant sa kasong rape sa menor-de edad niyang anak laban kay Ibon.

Nang malapit na umano sa kanilang bahay ang mag-ama, muli nilang nakita sina Portabis at isa pang kasama na nakatayo sa sari-sari store saka bumunot ng baril.

Pero bago pa man maputukan ang dalagita ay iniharang na ng biktima ang sarili kaya siya ang tinamaan ng bala.

Agad namang tumakas ang mga suspek matapos makita ang pagresponde ng mga Barangay Security Force sa lugar ng insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply