13 boy scouts nalason sa CamSur

NASA mabuti na ang kalagayan ang 13 boy scouts na isinugod kaninang hapon sa ospital matapos umanong mabiktima ng food poisoning.

Kinilala ang mga biktima na sina Mimi Verdasto, Ron Hace Acupra, Vincent Joshua Pilenio, Noel Amuten, John Paul Herrera, Robert Tuazon, Jimmy Umali, Dominic Mendoza, Gervill Villanueva, Leonand Inocencio, Victor Kitong, Gani Abdul at Rey Ridaga na pawang mga delegado ng San Isidro High School sa Makati City.

Napag-alaman na bigla na lamang nakaramdam ng pananakit ng tiyan at pagsusuka ang mga bata dahilan upang isugod ang mga ito sa Bicol Medical Center (BMC) sa lungsod ng Naga.

Pinaniniwalaang ang kinaing adobong manok at kanin na baon ng mga ito ang dahilan ng pananakit ng kanilang tiyan.

Ang naturang boy scouts ay kabilang sa 1st One Luzon Regional Scout Jamboree na isinasagawa ngayon sa Camp Rodriguez sa Pili, Camarines Sur.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply