131 Pinoy apektado ng baha sa Bangkok ligtas na

UMABOT sa 131 Filipino sa Thailand ang natulungan ng Philippine Embassy dahil sa pananalasa ng baha doon.

Malaking bahagi umano ng Thailand kasama na ang Bangkok ang lubog sa tubig baha at iniulat na marami na ang namamatay.

Ayon sa ulat ng Philippine Embassy, maraming Pinoy ang humihingi ng relief goods matapos na lumikas sa mas mataas na lugar dahil sa baha.

Inaasahan ng embahada na mas marami pang lugar sa Bangkok ang magpapatupad ng evacuation sa mga darating na araw dahil sa pagtaas pa ng tubig baha.

May posibilidad na tumaas pa ang tubig baha sa Bangkok dahil sa high tide at pagdating ng tubig mula sa Northern Provinces sa pamamagitan ng Chao Phraya River.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply