131 Pinoy apektado ng pagbaha sa Bangkok

UMABOT sa kabuuang 131 Pinoy sa Thailand ang nabigyan ng tulong ng Philippine Embassy dahil sa pananalasa ng baha roon.

Malaking bahagi umano ng Thailand, kasama na ang Bangkok, ang lubog sa tubig baha at iniulat na marami na ang namamatay.

Iniulat ng Philippine Embassy na maraming Pilipino rin ang humihingi ng relief goods matapos na lumikas sa mas mataas na lugar upang hindi maabot ng baha.

Inaasahan ng embahada na mas marami pang lugar sa Bangkok ang magpapatupad ng evacuation sa mga darating na araw dahil sa pagtaas pa ng tubig baha.

May posibilidad na tumaas pa ang tubig baha sa Bangkok dahil sa high tide at pagdating ng tubig mula sa Northern Provinces sa pamamagitan ng Chao Phraya River. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply