14-anyos na 8-buwan buntis lumaklak ng lason

NAGTANGKANG magpakamatay ang 14-anyos na babae na walong buwang buntis sa pamamagitan ng pag-inom ng pesticide dahilan upang malaglag ang dinadala nito sa sinapupunan sa Aklan sa ulat ng pulisya kahapon, Oktubre 13.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang  biktima sa pangalang ningning residente ng Brgy. Aparicio, Ibajay, Aklan.

Nailigtas ang babae matapos na agad  maisugod  sa pagamutan subalit hindi naisalba ang pinagbubuntis nito.

Sa ngayon, ligtas naman ang misis at kasalukuyang inoobserbahan sa provincial hospital dahil sa patuloy na trauma at emotional breakdown.

Nabatid na nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at ang kanyang 24-anyos na asawa kahapon ng umaga dahil sa kawalan nito ng oras sa misis at naging lasenggo pa.

Sinasabing bigla na lamang nagkulong ang biktima sa kanilang bahay kasama ang isang taong gulang na panganay at ilang oras ang nakalipas ay natagpuan na lamang siya ng kanyang mister na bumubula ang bibig katabi ang botelya ng pesticide.

Napag-alaman na 12-anyos pa lamang ang biktima nang magpasyang mag-asawa hanggang sa agad nagbuntis.

Pinaniniwalaang dahil sa bata pa nang mag-asawa ang dahilan kaya hindi nito nakayanan ang mga kinakaharap na problema sa buhay may-asawa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply